Sunday, February 2, 2014

BAKIT KAILANGANG MAGNEGOSYO?

Maraming Pilipino ang kaagad tumatalon sa konklusyon na...KAILANGAN NG PUHUNAN o kaya naman ay BAKA MALUGI tuwing papasok sa isang negosyo pero ang totoo... IDEA ang sekreto ng isang negosyante bago pumasok sa isang negosyo sapagkat ang negosyo ay PANTAKIP SA PANGANGAILANGAN NG MAMIMILI kaya dapat kung ano ang kakulangan ng tao ay sya mong gawing negosyo. Ang kaisipan ng isang magaling na negosyante ay POSITIBO at PINAG-AARALAN NIYANG MABUTI ANG NEGOSYO PARA MAGTAGUMPAY hindi yung tipikal na naririnig natin na "HINDI KO LINYA YAN E!" Kung ganon ang katwiran, sana may ipinanganak ng doktor, engineer at iba pa...tandaan pare parehas lang tayo ng tayo ay ipinanganak. Ang tanging kaibahan lang ay kung papaano iminulat sa atin kung papaano ba dapat. 



Iminulat kasi sa ating kamalayan ang "Anak mag-aral kang mabuti upang magkaroon ka ng MAGANDANG TRABAHO."
Samantalang sa mayaman "Anak mag-aral kang mabuti upang ikaw ay maging isang MAGALING NA NEGOSYANTE"
Bilang  isang OFW, bakit nga ba kinakailangan na MATUTO
MAGING BUKAS ANG KAISIPAN SA PAGNENEGOSYO? Eto ang Tatlo sa maraming kasagutan kung bakit:

  • Dahil pag-uwi natin sa Pilipinas ay mahihirapan na tayong makahanap ng trabaho dahil sa over age or over qualified tayo.
  • Ang may sariling negosyo ay nakakabili ng mga bagay na mas magaganda kesa sa ordinaryong empleyado. Nakikita natin sa Pilipinas ang mga simpleng negosyante nakakapagpundar at nakakabili ng sasakyan pero sa ating mga OFW ay madalang nating makita.
  • Mas marami silang oras sa pamilya hindi sa kagaya natin na buwan or taon ang gugugulin bago makauwi sa Pilipinas.

Ang magagaling na negosyante kahit sila ay natutulog or nagbabakasyon ay kumikita pa din. Isang halimbawa ay ang may-ari ng SM at Philippine Airlines. Dumadami ang oras nila dahil sa maraming empleyado na kanilang inuupahan. Ito ay sa kadahilanang gumagamit sila ng TIME LEVERAGE. At dahil sa sistemang yun nagkaakroon sila ng TIME FREEDOM. 
  

Ang NEGOSYO na nais naming  iparating sa iyo ay NEGOSYONG HABANG NARITO KA SA ABROAD AY MAKAPAG-IPON, NEGOSYONG MAKAKATULONG SA IYO NA MAKAPAG-PAARAL AT NEGOSYONG MAGBIBIGAY SA IYO NG TIME LEVERAGE UPANG MAGKAROON NG TIME FREEDOM PARA SA PAMILYA.

Kaibigan, bago mo ISARA ANG PAGE NA ITO PAGKAT SA TINGIN MO AY HINDI ITO PARA SA IYO, tandaan mo din naman ang unang nabasa mo sa itaas na ang isang negosyo ay PINAG-AARALAN, POSITIBO AT HINDI NANINIWALA SA SALITANG "HINDI KO LINYA YAN EH!."

Pagkat kagaya mo...OFW din ako, dating TAKOT MAGNEGOSYO, NEGATIBO AT NANINIWALANG NASA  LINYA ANG NEGOSYO. Marami kaming OFW na nagtutulungan dito at ipapakita namin sa iyo kung papaano ito ginagawa.


Klik mo lang dito  https://facebook.com/mae.nicolas.161